By By Jex F. Lucero
BANGKA KAKASUHAN NG POSSESSION OF ILLEGAL DRUGS?
posted 24-Sep-2019  ·  
359 views  ·   0 comments  ·  

Ayon sa balita, 80 milyong pisong halaga ng shabu nadiskubre sa isang abandonadong bangka sa probinsiya ng Zambales. Bangka malamang na masampahan ng kasong possession of illegal drugs! Patay kang bangka!

*******

Paglipat ni Duterte sa mga preso inupakan ni De Lima. Iniisip siguro ni De Lima na siya ang mas may karapatang maglipat ng mga bilanggo at hindi si Duterte. Hehehe...! Hirap ng nakakulong hanggang ngawa ka na lang!

******

Sa Bucor ang uso ay GCTA for sale. Dito sa atin ang uso ay vote for sale. Pero kung election time lang. At minsan nauso rin ang candidate for sale!

******

Tila hindi naman tama ang lalahating pinalayang mga bilanggo ay nakalaya dahil nabili nila ang kanilang kalayaan sa GCTA. Hindi naman lahat ng pinalayang inmate ay mayayaman. Iyong iba kaya naman nakalaya dahil sila ay nakasunod sa kung ano ang sinasabi ng batas. Dapat salaing mabuti at iyong mga nakalaya dahil dapat makalaya ay huwag nang ibabalik pa sa kulungan. Si Sanchez at iba pa tulad ng Chiong case, iyon ang dapat imbestigahang mabuti.

******

Pagbaba ng retirement age ng mga kawani ng gobyerno inihihirit. Gusto raw ng mga nagpapanukala na gawing 60 years sa halip na iyong dati na 65 years old. Hanep! Pero meron namang nagpapanukala na iyong mga nagretiro sa edad na 65 ay babayaran ang limang taong pag-retire nila nang huli. Hehehe...mukhang makakatabla pag nagkataon!

******

Kakasuhan daw ng mga taga oposisyon si Bikoy ng perjury. Parang mga bata ang mga taga-oposisyon. Ang ganyang mga bagay ay ginagawa at hindi na pinadadaan sa pabali-balita. Puro mga pa-epal!

******

Ang mga basketbolista nating Gilas Pilipinas ay nagmumukhang kawawa sa FIBA World CUP series. Sabi ng coach ng Serbia ang mga player daw natin ay mabibilis, marurunong magshoot pero kulang daw sa kalidad (quality). Ang sama, ano? Wa....quality! Nagmukhang mga duwende kasi ang Pilipinas laban sa Serbia! Kailangan natin ay limang katulad ni naturalized player Andrey Blatche.

******

Kahit kailan ang programa ng basketball sa Pilipinas ay hindi makukuhang magkampeon sa buong mundo. Kahit kailan! Kahit sabihin pa nating magkaroon ng height limit, hindi pa rin tayo magkakampeon sa buong mundo. Maliban lang kung magbabawas ng binti ang mga makakalaban natin. One leg against two legs at tayo ang two legs, tiyak naman ang panalo natin.

******

Ang sikat na volleyball player na si May Ann Lucero Pantino ng Pacifictown Army (Lady Jet Spikers) ay anak ng pamangkin ko. Siya ay nasa Philippine Air Force.

Kasalukuyang nasa paglalaro siya ng volleyball sa ilalim ng Premium Volleyball League (PVL). Magaling siya sa larong volleyball bagama’t hindi maganda ang laban nila ngayon kasi isang taon silang umabsent sa PVL. Isa siya sa dahilan kung bakit ang ADMU ay hindi napasok sa isang liga ng PVL kung saan ang isang spike niya ay nagpanalo sa PH Army at tuluyang nawala sa laban ang ADMU.

******

Sa larong basketball sa UAAP tila alam na kung sino ang team na malalakas. Muli nagpapakita ng pagiging ala-bakulaw na lakas ang mga taga-Ateneo. Tinambakan sa unang paglalaro ang Adamson at sa pangalawang kalaban na La Salle ay gannoon din. Ang UP na sobrang excited sa UAAP ay pinadapa ng UST sa lakas at bilis ng mga bagong manlalaro na si Mark Nonoy, Subido, at iba pa. Hula ko ADMU pa rin ang makaka 3-peat.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs