By By Jex F. Lucero
MAS MATINDING SAKIT
posted 1-Oct-2019  ·  
500 views  ·   0 comments  ·  

Tatlong milyong bahay sa bansa walang malinis na palikuran (toilet), ayon sa DOH. Kadiri kung ganun! Ang bilang ay sa buong bansa. Tanong: dito sa atin ilang libong bahay na ang ginagawang toilet ay ang mga ilog, mga daan, mga kanal, at ang mahaba at napakalawak na karagatan? Sa totoo lang sa mga bara-barangay, marami pa ring mga bahay ang walang CR. Ano naman kaya ang ginagawa ng mga ahensiya ng gobyerno na may concern sa nasabing problema ang kanilang ginagawa o nginangawa? Wala gawa wala ngawa? Parehas sila ng mga  tao na walang pakialam na wala silang CR, basta may ilog, sapa, dagat, mga daan at diyaryong pambalot ng dumi at paliliparin and to whom it may concern ang tamaan.

******

Tama iyong sabi ng isang cultural analyst na dapat ang panukalang divorce law ay iyong naaayon sa sitwasyon ng ating bansa at hindi itutulad sa istilo ng kanluraning bansa tulad ng Amerika. Dapat iyong uri ng diborsiyo na kahit iyong mahihirap na tao ay puwedeng makipag-diborsiyo kung talagang kailangan. Hindi katulad ng ginawa ng Kongreso na gumawa ng batas na annulment of marriage na ang nakakaya lang ay ang mga mayayaman. Pinakapalpak ang batas na itong annulment of marriage kung saan ang nakagagawa nito ay ang mayayaman lamang. Pinaka-inutil na batas. Kaya marami ang namumuhay na mga tao na ayon sa sabi nila ay mga immoral. Tapos ito na namang divorce law na pinapanukala ng mga mambabatas natin na ang basehan ay ang diborsiyo sa Amerika. Tiyak ang makakakaya naman nito ay iyong mayayaman lang.

******

Kung ganyan din lang, dalawang klase ng divorce law ang gawin nila. Isa para sa mayayaman at isa naman para sa mahihirap. Huwag nilang itulad sa batas ng annulment of marriage na kung mahirap ka, magtiis ka kahit isinusuka mo na ang asawa mo. Magtiis ka kahit ang totoo kahit anong gawin mo, talagang ayaw mo na sa asawa mo dahil talagang ayaw mo na! Dapat talaga iyong batas na lahat ng tao ay makikinabang hindi iyong mayayaman lamang.Sabi pagdating sa batas pantay-pantay pero sa annulment of marriage hindi. Kaya ba ng mahirap kumuha ng psychiatrist na galing pa ng Manila at babayaran mo ng 60k at ipatitira mo pa sa hotel at pamamasahe pa sa eroplano? Baliw ang mga gumawa ng batas na ito!

******

Nakakatakot ang pagkakaroong muli ng sakit na polio. 19 years ago idineklarang polio free ang ating bansa pero ngayon muling bumalik ito. Ang sinisisi ay ang hindi pagpapabakuna ng mga tao lalo mga bata dahil sa tinamong “stigma” dulot ng dengvaxia. Na lalong pinalakas ng suportahan ng hepe ng PAO na si Atty. Acosta na sinasabing ang ilan sa mga namatay ay dahil sa bakunang dengvaxia. Polio, dengue, at iba pang sakit ang bumabanat sa atin. Nitong nakaraang linggo ang matinding balita ay ang tungkol naman sa 7 milyong Filipino ay may sakit na diabetes. Matindi at nakakatakot at tanging pag-iingat lamang ang tanging mabisang gamot dito sabi nila. Pero mas matindi ang sakit ng ilang mga nasa gobyerno. Pagnanakaw kaliwa at kanan ang banat nila. Ito ang uri ng sakit na walang solusyon hanggang ngayon. Ang masakit iyong mga magnanakaw sa gobyerno na konti lang ang pitik ang siyang nadadale pero iyong milyon/bilyon ang hatak lalong namayagpag. Ang tindi ng sakit na ito!

*****

Dito sa atin tila walang pakialam ang mga tao tungkol sa sakit na African Swine Fever. Tuloy pa rin ang bilihan ng baboy although sa nakikita natin dumalang ang mga namimili ng karneng baboy. Mabuti na lang at baboy lang ang tinamaan. Kung nagkataong pati ibang hayop ay tinamaan tulad ng baka, kajabaw, aso, manok, at iba pang hayop, kawawa tayo. Hindi na bale kung pati tao ay mahawa ng ASF, basta ba iyon lang mga magnanakaw sa gobyerno lalo iyong mga pulitiko.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs