By By Jex F. Lucero
NINJA COPS?
posted 25 days ago  ·  
360 views  ·   0 comments  ·  

Muling nagtagisan ng galing ang mahigpit na magkatunggali sa larong basketball ng  Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP) 82. At ito kung tawagin nila ay Battle of Katipunan dahil parehong taga-Katipunan ang UP at ADMU. Unang nag salpukan ang dalawang koponan noong nakaraang taon na kung titingnan mo lamang na lamang ang UP dahil halos lahat ng taga-UP ay suportadong suportado ang UP team. Pero ang nanalo sa banggaang UP vs. ADMU ay ang huli. Ngayon unang round pa lang ng sagupaan, tinambakan ang Maroons ng Blue Eagles sa score na 89-63. Ito ay sa kabila ng meron na silang Kobe Paras at Ricci Rivero. 26 points ang lamang ng Blue Eagles laban sa Maroons. Ganun pa man unang paghaharap pa lang ito.Sana sa susunod mga lima lang ang lamang ng Blue Eagles. Parang hindi pa pina-snack mga taga-UP?

******

Taon-taon may namamatay na estudyante sanhi ng hazing. Ito ay dahil o kagagawan ng mga fraternity. Maganda ang adhikain ng mga kapatiran o kung tawagin natin fraternity. Pinapayagan naman ito ng mga eskuwelahan dahil nga maganda naman ang sadya ng bawat sumasali sa kapatirang ito. Napapasama lang ito kung nasosobrahan ang sabi nila pagpapahirap o pagbibigay pagsubok sa mga bagong kasapi kung sila ba ay papasa bilang kasapi ng kanilang frat. Diyan lang naman sila napapasama. Pero kung marunong sila ng control sa sarili nila at hindi paiiralin ang salitang paghihiganti dahil sa hirap na dinanas nila nang sila ay neophyte pa rin lang sa nasabing frat ay hindi mangyayari ang pagkakaroon ng namamatay sa hazing. Demonyong grabe man ang inabot ko kang gapoon pa sana ako kaya dae man ako matugot na dae makapusak ning sagwan sa mga bagong sali. Iyan ang dahilan! Ang siste, napasobra iyong hataw ng paddle kaya tigbak. Sayang iyong pag-aaral! Nagkaloko-loko dahil sa fraternity.

******

Papangalanan na ni Pang. Duterte at ng Senado ang tinaguriang mga Ninja Cops na ayon sa PDEA ay sangkot sa pagre-recycle ng mga droga na kadalasan ay nahuli ng mga ahente ng PDEA. Sa madaling sabi, malalantad na sa madla ang mga pulis na sangkot sa iligal na gawaing ito na kung titingnan mo ay gawain lamang ng mga pulis sa mga pelikula. Totoo na ito at hindi basta lamang istorya sa isang pelikula na ginagampanan ng mga aktor tulad ni Edu Manzano. Sino kayang mga pulis ang gugulong ang mga ulo? Abangan!

******

Ito na nga ba ang sinasabi natin kung bakit nagpapatuloy ang kalakalan ng iligal na droga sa ating bansa? Kung bakit maraming iligal na mga bagay na nangyayari sa atin tulad na lang ng hold-up, kidnap for ransom, carnapping, at iba pang malalaking krimen. Kadalasan ang mga sangkot dito ay mga otoridad. Kaya nakapagtataka na sa isang lugar ay hindi mahuli-huli ang mga kriminal? At iyon pala ay protektado ng mga nakaunipormeng mas masahol pa sa mga kriminal na gumagawa ng krimen. Matagal nang modus ang ganito hindi lang nagkakabulgaran. Pero ngayon ay lumalabas na ang kawalanghiyaan ng mga nakaunipormeng kriminal. Marami silang gumagawa ng ganito pero marami rin silang hindi gumagawa ng kawalanghiyaan at nadadamay lang sa kabulukang ginagawa ng mga kasamahan nila.

******

Dalawang klase ang tinaguriang Ninja Cops: ito ang Ninja laki, iyong malakihang operasyon at ang isa iyong Ninja liit, iyon namang kumbaga barya-barya lang ang laban. At hindi lang iyan meron pa nga raw Volt Cops? Grabe sila, sabi to serve and protect, iyon pala mga kamag-anak sila ni hudas.

******

Lumalabas na sa ating bansa mga anak ni Henry ang pinakamayaman. Si Henry Sy ay isang Chinese at dito siya yumaman ng husto sa Pilipinas. Sa ibang bansa tulad sa Amerika ang pinakamayayaman ay mga Kano.Sa Japan ang pinakamayayaman ay mga Hapon, sa atin ang pinakamayaman Intsik? Bakit nagkaganun?


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs