By By Jex F. Lucero
NAKAW PA MORE
posted 15 days ago  ·  
264 views  ·   0 comments  ·  

Isang mayor sa bansang Mexico ang itinali at ipinahila sa isang trak ng kanyang mga kababayan dahil sa hindi pagtupad nito sa kanyang mga pangako noong nangangampanya pa ito ng panahon ng eleksyon. Ang pangako daw ng mayor ay aayusin ang mga daan pero hindi ito tinupad. Ano kaya gawin din natin ito sa mga pulitiko natin na puro kayabangan at mga pangako sa mga botante ang alam lang gawin?. Tatalian natin sa leeg tapos ipahihila din natin sa trak. Mga mayayabang na, mga sinungaling pa at mga magnanakaw pa!

******

Number One ang Boracay Island sa buong Asya bilang pinakamagandang Isla. Mga apat o limang beses ko nang narating ang Boracay pero sa totoo lang hindi ako nagagandahan dito. Ang dumi ng Boracay noon at ang mga hotel o mga lodging house ay parang mga squatter. Ito ay noon, ewan ko lang ngayon at ayon sa sabi nila malaki na raw ang mga pagbabago. Pero sa maniwala kayo sa hindi, ang probinsiya natin ay itinuturing kong isa sa pinakamagandang Isla sa buong Pilipinas! Dito kumpleto tayo. Maraming magnanakaw sa gobyerno, mga pulitiko halos lahat kontratista at saksakan ng yayabang sabi ko nga!

******

Dalawang mambabatas ang nagpanukalang amyendahan ang batas na anti-violence against women and their childen’s act at gawin itong anti-violence against partners. Ang katuwiran dito ni Lacson at Biazon ay unfair daw ang gg na partners tulad ng mga lalaki at iba pa halimbawang mga LGBT ay hindi nasasama. Dapat lang dahil ang batas ay para sa lahat at hindi lamang sa mga babae. Iyong sa mga bata walang problema. Ang problema parang nagigiging one sided kapag sinabing batas para sa mga babae lamang. Pabor ako sa panukala ng isa pang kongresista na gawin ngang anti-violence against partners pero huwag lang aalisin iyong anti-violence against children.

*****

Sangkaterbang mga Intsik ang idineport dahil sa mga iligal na pagtatrabaho sa ating bansa at iba pang mga kaso. Linulusob tayo ng mga Intsik pero ang mga Pinoy lusob din sila sa iba-ibang bansa. Pare-parehong istilo. Ang mga Pinoy papasok sa ibang bansa bilang mga turista at kung ano pang mga style ang ginagawa para lang makapasok. At pag nakapasok na doon na magiging iligal at magtatrabaho na at isa ng TNT. Iyan din ang ginagawa ngayon ng mga Intsik. Ang tanong paanong nakapasok ang mga intsik dito kung iligal ang mga ito? Ako..hindi ko alam. Tanong natin sa mga taga Immigration. Kita sila diyan!

******

Ayon sa PDEA, wala na raw iligal na droga sa bayan ng San Miguel. Magaling...napakagaling! Congratulations sa mga namumuno ng nasabing bayan. Sana tuloy tuloy nang walang iligal na droga sa bayan ng San Miguel. Ang tanong, bakit San Miguel lang? Ito ba’y nangangahulugang ang bayan ng Virac, San Andres, Caramoran, Pandan at iba pang bayan sa Catanduanes ay namamayagpag pa rin ang iligal na droga? Ang liit-liit ng Catanduanes hindi makuhang mawalis ang mga salot na nagpapakalat-kalat sa ating lugar? Ang liit-liit ng probinsiya natin. At halos lahat ng tao sa bawat barangay ay magkakakilala tapos hindi maubos-ubos ang mga hudas na ito ng ating lipunan? Baka meron ditong mga Ninja Cops?

******

Binanatan ni bagyong Hagibis ang Tokyo, Japan, hindi po ang Tokio sa Pandan. Grabe ang ipinakikita sa TV kung papaanong nilamukos ni Hagibis ang mga bahay at mga istraktura sa nasabing lugar. Matatandaan nating ang bagyong Hagibis bago pumuntang Japan ay sumilip muna sa ating bansa. Tiningnan tayo at siguro sinabing huwag na munang dumaan sa Pinas kasi kawawa naman? Sana parating ganun ang iisipin ng mga bagyo na huwag na munang dumaan kasi kawawa naman tayo. Pero siguro pag naiisip ng bagyo na ang Pinas ay pinamumugaran ng mga magnanakaw na mga nasa gobyerno lalo mga pulitiko nawawala ang awa at hindi lang silip ang gagawin sa atin kundi “iwasawas” kita. Nakaw pa more!


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs