By By Jex F. Lucero
GUILTY SI ALBAYALDE?
posted 13 days ago  ·  
302 views  ·   0 comments  ·  

Pag senado ang nag-iimbestiga, agad-agad sinasabi nilang guilty ang iniimbestigahang tao. pulis man siya o hindi. Tulad ng ginagawa kay PNP chief Albayalde. Iniimbestigahan pa lang, guilty na. Sinasabing malakas ang circumstantial evidence laban kay Albayalde. Ang basehan ng circumstantial evidence ay iyong pinagtagni-tagning mga pahayag ng mga testigo sa senado, hindi po sa korte.  Iniisip ng isang senador na nagkatugma-tugma ang mga pahayag ng mga testigo kaya shoot sa  balde si Albayalde pero hindi sinasabi ng senador na ang isang inaakusahan hangga’t hindi napapatunayan sa imbestigasyon ng korte na guilty nga ito , ito ay  nananatiling inosente. Hindi po ako abogado pero hindi po ako kapatid ni Johnny Tango, ang pinakadakilang tanga sa buong mundo.

******

Kaya kung magsasampa kayo ng kaso, huwag na niyong iniisip kaagad na panalo na kayo. Dahil kung iyan kaagad ang isasaksak ninyo sa inyong may malauhog na buko, tiyak iyan na ang kamag-anak mo si Johnny Tango. Hintayin ninyo ang hatol ng hukuman saka na kayo magtatatalak. Huwag ninyong pangungunahan ang husgado. Dahil ang gumagawa lang ng ganyang gawain sabi ko nga ay si Johnny Tango lamang. Unless na kamag-anak ka niya. Ikaw, kamag-anak ka ba niya? Kasi mukhang tanga ka? Sa susunod hintayin mo muna ang desisyon ng korte. Huwag kang dakdak ng dakdak! Mukha ka tuloy bakla!

******

Gusto ni Kong. Singson ng llocos sa halip na iyong dating anim na buwan na probationary period ng mga empleyado ay gawin daw itong dalawang taon. Pumiyok agad si DOLE secretary Bello at mga malalaking organisasyon ng mga manggagawa. Hindi nila nagustuhan ang panukala ni Singson. Pahirap daw ito sa mga manggagawa. Na siya namang totoo. Matagal na nga iyong anim na buwan tapos gagawin pang dalawang taon. Ano kaya pumasok sa kukote ng kongresmang ito? Sana ang naging panukala niya ay madaliin ang pagpaparegular sa mga hindi pa nareregular na mga emleyado na inabot na ng kung ilang dekada sa trabaho nila pero contractual pa rin. Ano kaya pumasok sa ulo ni kongresman?

******

Sa ibang bansa, pag meron mga problema tulad ng lindol, bagyo at iba pang mga sakuna, ang mga tao ay nagkakaisa, nagtutulungan para makaahon sa nararanasan nilang problema. Isa sa bansang magandang ehemplo ay ang bansang Japan. Ang pagtutulungan, pagdadamayan ay ipinakikita at nadarama sa mga taga-Japan kaya madali silang nakakaahon sa problema nila. Dito sa atin, iba naman ang ginagawa. Sa halip na magtulungan ang ginagawa sa atin ay nakaw sa kaliwa, sa kanan, sa ulohan hanggang sa paanan. Sabi nga ng mga Hapon, Firipinos are dorobo (magnanakaw). Akmang-akma lalo sa mga nasa gobyerno at lalo sa mga pulitiko.

******

Alam ba ninyong gustong-gusto ng mga pulitiko na may mga bagyo o may mga baha, at iba pang mga sakuna dahil diyan kumikita ang mga baliw nating mga pulitiko? Laki ng kinikita nila sa mga pagpapaayos sa mga nasirang tulay, mga nasirang paaralan, mga nasirang daan, at marami pang iba na pinagpapasasaan ng mga pulitiko at ibang mga nasa gobyerno. Sa maniwala kayo sa hindi, masayang-masaya sila pag may mga bagyo dahil sa kanila iyon ay grasya. Wala naman silang pakialam kung malakas ang bagyo dahil matitibay ang mga bahay nila. Ang sa kanila, mas gusto pa nga nilang malakas ang bagyo para maraming masisira dahil pag malaki ang sira, malaki ang budget para sa rehabilitasyon. Pag malaki ang budget marami ang mananakaw “soak soak baga sa kontrata ang mga hinayupak na mahahabas.”

******

Alam ba ninyong hindi ako bilib sa road widening na ginagawa ng mga nasa gobyerno natin? Okey lumuwag iyong daanan ng mga sasakyan pero iyong pedestrian o iyong daanan ng mga tao ay wala na. Ang meron na lang iyong daanan ng mga sasakyan. Hayop na kalukohan iyan. Grabe di ba? Iyong para sa daanan ng mga tao wala na. Kung meron man napakahirap-delikado na sa mga tao. Dapat balance, hindi iyong lahat ay para sa mga sasakyan lamang dapat iyong daanan para sa mga tao ay nandiriyan din at hindi nanganganib na baka mapahamak sila.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs