MENSAHE NG APO NI CONG. FRANCISCO PERFECTO
posted 24-Nov-2019  ·  
3,021 views  ·   0 comments  ·  
Faith Jacqueline M. Perfecto, RSW, MSSW

Sa aking mga Kababayan sa Catanduanes,

     Ang araw ng September 20, 2019 ay pag-aalala sa pagpanaw ng aking Lolo Paquito, na siyang tawag naming mga apo sa kanya. Marahil ay mas maraming alaala sa kanya ang dalawa kong nakatatandang kapatid, ang panganay  na si Manoy Victor at ang pumapangalawa sa si Manoy Samuel. Bilang bunso at nag-iisang apo na babae, ako yung laging naiiiwan kay Lolo kapag nasa school na ang mga kapatid ko. Si Lolo Paquito ay napakahilig na humithit ng tabako, minsan nga ay may pipa pa sya.

     Ang mga hindi ko malilimutan na mga aral kay Lolo ay ang pagiging magiliw at magalang sa lahat ng klase ng tao, mataas man o mababa ang katungkulan sa lipunan. Ang hindi pagtatapon ng kahit isang butil ng kanin sa pinggan o “mukmok” dahil maraming tao ang walang makain. Mapalad tayo na may nakakain tayo habang marami ang nagugutom. Ang pagpapahalaga sa trabaho basta marangal at ikapupuri, ang pag-aalaga sa kinagisnan na pangalan ng pamilya na walang dungis ng katiwalian.

     Higit sa lahat, ang kanyang libangan sa laro ng karera ng mga kabayo.

     Simple at mapagmahal sa aming mga apo si Lolo Paquito. Aking pinapahalagahan ang lahat ng kanyang nagawa para sa Catanduanes na marahil ay hindi alam ng nakakarami diyan.

 

     Si Lolo Paquito ay kinikilala bilang “AMA” ng probinsiya ng Catanduanes noong nag-file siya ng Commonwealth Act No. 687 or House Bill 301, with the measure approved by Congress on Sept. 26, 1945, na naging daan para mahiwalay ito sa probinsya ng Albay. Noong Oct. 24, 1945, ang Catanduanes ay officially recognized na bilang independent province.

     Bibihira na sa panahon ngayon ang mga lider ng ating gobyerno na may integridad, isang katangian na kagalanggalang dahil ang taong tumutupad sa kanyang pangako ay tiyak na maasahan ng kahit sino man. Isa ito sa mga hindi ko malimutan na turo ng aking lolo, isang prinsipyo na dapat din pangalagaan ang dangal. “Doing the right thing in a reliable way, or practicing what you teach”. This includes not buying votes…

     Sa panahon ngayon ay napakahirap na itong gawin pero dahil ang mama ng Lolo ko ay relihiyosa, sa tingin ko ay turo na rin ito sa kanya.

Faith Jacqueline M. Perfecto, RSW, MSSW

*******

Brief Background on the Author :

          The writer is the youngest child of the Late Judge Merito C. Perfecto and Schoolteacher Esther S. Melgar Perfecto.

     The love for reading books, the great interest on historical events and facts were great influenced by the late Congressman Francisco A. Perfecto. At a young age of eleven, the author went into literary writing which included poetry and short stories.

     The author is a registered Social Worker who delved into Social Development activities for the upliftment of the socio economic lives of the marginalized sectors of society. She has been involved in rural and urban development, the academe, policy formulation for socialized housing among others. She was a   United Nations Volunteer assigned in Sri Lanka where she worked with a local NGO, the Lanka Mahila Samiti on a Women and Development  Project. While in the academe she taught Social Science subjects such as Asian Civilization, Philippine History, Sociology, Cultural Anthropology, and major subjects in social work.

     She completed her  Master of Science in Social Work at the Asian Social Institute under a scholarship program. She has 36 units in a Doctoral Degree in Development Administration from the Don Mariano Marcos Memorial State University.

     She is a Project Development Officer at the Department of the Interior and Local Government Central Office assigned as Secretariat to the Task Force Bangon Marawi.

     Her advocacies include human ecology, food security thru urban and organic farming, renewable solar energy and the use of mechanized tools for farming. Her hobbies include the propagation of herbal plants such as red and black ginger, coleus, basil, rosemary, butterfly pea, insulin plant and mulberry.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
home home album photo album blogs blogs